December 15 2013 :)
Nagising ako ng maaga dahil magsisimba kami ni Mama . Sa Sta.Lu kami nagsimba dahil may binili kami at nag-order kami ng pagkain sa Mang inasal para yun ang ulamin ngayong araw . Pagdating ni Nydel sa bahay ay ninaya niya akong magsimba mamaya sa Francisville para sa unang misa ng misa de gallo/Simbang gabi . Umpisa na nga pala ng simbang gabi . Paggabi magsisimba , Dec.15 ang umpisa pag madaling araw ay December 16 . Alas-otso ang umpisa ng misa sa Francisville . Kami ni Nydel at Cha ay pumunta ng alas-syete sa bahay ng dati naming kapit bahay na malapit sa Simbahan para magchika chika at antayin ang oras ng misa .
Habang papauwi kami galing misa ay biglang bumuhos ang ulan . Epal naman oh! Pauwi na nga at anong oras na din . Buti at tumila na din . Pag-uwi ay ginawa ko ang aking mga takdang aralin . Napuyat tuloy ako -,-
Comments
Post a Comment