December 22, 2013 :D
Mga
Alas-tres na kami nakauwi galing lamay . Nagpalit lang ako saglit ng damit at
nagsimba para sa ika-pitong misa ng simbang gabi . pag-uwi natulog ako dahil
pagod na pagod ako dala ng puyat . Mga Alas tres ng tanghali ako nagising
saktong pagdating ni Coyin galing Quezon city. Mga alas-singko sinamahan niya
akong maghatid ng pagkain sa papa ko at dinaanan na din namin ang Ninang Mel
namin para manghingi ng pamasko pero wala naman siya sayang tuloy effort .
Pag-uwi kumain na kami ng hapunan . Inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko
sa QC karamihan pang alis kasi panigurado lagi kaming aalis at mamasyal kung
saan saan . Mga 9 pumunta na kami ni Coyin sa Businessworld para antayin ang
aking Tito na kasabay namin pagpunta ng QC kilala na kami ng mga Guard dahil
tuwing bakasyon ay nandito kami para antayin si Tito. Pinalaro muna kami ng
badminton sa court kasi matatagalan pa matapos yung trabaho nila . Mga 01 na
nga sila na tapos .
Comments
Post a Comment