December 31, 2013 :D


  Pagkagising ko sinamahan ko si Mama na mamili ng 12 na klase ng bilog na prutas at mga panghanda . Sa pamimili ng mga prutas doon ko natuklasan na ang pagkakaiba ng Orange at Ponkan . Ang Ponkan pala yung maliit at yung Orange yung malaki at makapal ang balat , natuklasan ko din ang prutas na Longgan parang ngayon ko lang nakita iyon. Pag-uwi tinulungan ko si Mama magluto ng aming ulam para sa tanghalian . Pagkatapos ay kumain kami nang sama-sama . Dumating si Nydel sa bahay samahan ko daw siyang pumunta sa Super 8 dahil may bibilhin siya. Naligo muna kami at pumunta na rin doon . Habang namimili pinag-uusapan namin kung anong oras kami magsisimba at saan . Napagkasunduan naming alas-otso magsimba at sa Pavonian nalang para malapit . Pagkauwi namin galing Super 8 nag-aya kami kung sino pwede makasama para marami mas masaya pumayag naman yung mga kaibigan namin dito at nagkakuwentuhan narin .
  Pagdating ng 7:30 ay nag-antayan kami pagdating namin doon sakto lang dahil kakaumpisa palang . Noong pagtapos ng misa may mga sumayaw ng  kantang pamasko at pinahalik din samin ang imahe ni Baby Jesus . Noong pauwi na kami dumiretso muna kami ni Nydel at Cha sa Francisville para bumisita at makikain . Pinakain naman kami ng spaghetti at binigyan ng tig-20p . Pag-uwi namin ay grabe ang aming takot dahil ang dami na nang nagpapaputok sa labas . Sa bahay ay tinulungan kong mag-ayos ng mga handa si Mama . Uunti lang ang handa namin yung spaghetti, shanghai at salad may mga nagbigay naman ng bico at cake . Lumabas ako ng mga 11:30 para panuorin ang mga batang nagpapailaw at nagtotorotot habang nag-aantay na mag-alas dose .

Comments

Popular posts from this blog

Luha ni Rufino Alejandro

November 15 , 2013

Ika-14 ng Oktubre 2013 =)