December 18, 2013 =_=
Naggising nanaman ako ng maaga para magsimba para sa ikatlong araw ng simbang gabi . Maaga nanaman ako nakapasok :) . Maaga ang uwi ngayon dahil sa pagkakaalam ko may program mamayang hapon dahil magpeperform sa stage ang mga napili sa audition ng MNHS idol . Niyaya nga ako ng mga kaklase ko na manood daw kami kaso aalis ako kaya hindi ako makakanood . Ako ang naatasang bumili ng panghanda sa grupo namin para bukas sa Christmas party .
Bumili kami ni Mama ng mga sangkap sa pagluto ng palabok sa Talipapa . Pagkatapos sinamahan ko si Nydel sa SM Marikina at Riverbanks. Alas-singko na kami nakauwi ang dami kasing pinamili nung babaeng yun . Sobrang pula tuloy ng paa ko , ikot kasi kami ng ikot .Nagkulay ako at kuya ko ng buhok medyo brownish pero parang hindi naman halata.
Comments
Post a Comment