December 28, 2013 :D


 
     Ginising ako ng tita ko para kumain na ng tanghalian . Pagtapos kung kumain  ay nagfacebook lang ako saglit para tingnan ang notification ko  at naligo na . Naghanda ng isusuot at nag-ayos ng sarili dahil pupunta kami ni Coyin sa Sm North para manuod ng Girl Boy Bakla Tomboy . Pagdating namin doon ay tinignan muna namin kung anong oras yung showing ,  7:40 pa ang umpisa .  Bumili na kami ng ticket  para di maubusan . Alas sais palang kaya naglibot libot muna kami sa sky garden at nagpicture picture . Kumain din kami sa KFC di kasi kami kumain bago umalis baka magutom kami sa loob ng sinehan . Mga 7:20 ay pumunta na kami sa sinehan buti nalang at inagahan namin at nakaupo kami sa bandang harapan , bumili kami ng popcorn nang may manguya nguya kami habang nanood . Ang mahal ng popcorn 95 ! . Ang ganda ng palabas na Girl Boy Bakla Tomboy simula palang tawanan na hanggang dulo pero may part na nakakaiyak . Sulit na sulit naman yung binayad namin kasi nag enjoy at humalakhak kami ng bonggang bongga .

Comments

Popular posts from this blog

Luha ni Rufino Alejandro

November 15 , 2013

Ika-14 ng Oktubre 2013 =)