December 12 , 2013 :D
Nung
pag-uwi ko galing paaralan ay natulog agad ako . Nagising nalang ako dahil sa
malakas na talak ni Nydel . Niyaya akong pumunta sa bahay ng kaibigan namin na
si Ji Anne . Naglakad lang kami paakyat ng Ruhat III . Pagdating namin sa bahay
ni Ji Anne ay hingal na hingal at pawis na pawis kami tirik kasi ang araw nung
oras na yun .Tutal meryenda na ay
pinakain kami ng tinapay at pinainom ng Rc ni Ji Anne buti wala siyang
kasama at di kami naiilang kaya sige lamon .Nanunuod kami ng video sa Cellphone
ni Ji Anne tawa kami ng tawa lalong lalo na sa mga parang baliw na nagboboksing
di pa nga nagbabangayan ay parang mga nasuntok na ng isang daang beses HAHAHA
XD . Nag-enjoy kami sa panonood at
pag-uusap kaya di namin namalayan ang oras . Alas nuwebe ako nakauwi kaya naman
pinagsabihan ako .
Comments
Post a Comment