Ika-sampung araw ng Disyembre :)
Maligayang
araw saaming punungguro na si Sir.Rommel Beltran :) Nawa siya ay
pagpalain ng poong maykapal :D
Ngayong
araw , maaga ang aming uwian dahil maraming mga bisita ang pupunta sa aming
paaralan para sa kaarawan ng aming punungguro. Kaya naman nung uwian ay
tumambay muna kami ng iba kong kaklase wala lang kwentuhan saglit wala naman
kasi kaming gagawin sa bahay .
Noong
naglalakad ako pauwi pababa ng baranggay ay may nag-alok na tricycle driver na
sumakay daw ako sa tricycle niya( sa mahinahong pagkakasabi :) ) kasi
wala pa naman daw siyang sakay , tumanggi ako kasi wala akong pambayad na
pamasahe sabi naman niya ay ayos lang ibaba niya naman daw ako sa baranggay
dahil may susunduin siya doon . Edi Ok sumakay ako bawas pagod din yun .
Noong naka-uwi na
ko , asar! nawala 50 ko papel kasi yun. Panigurado sa paaralan ko
yun nawala magkakasama kasi yung Cellphone , panyo at pera ko sa
bulsa kaya siguro pagbunot ko sa cellphone o panyo ay nalaglag yung pera ko
nang di ko namamalayan :( . Babayaran nalang daw ni Mama .
Comments
Post a Comment