December 23 , 2013 :(


   Dala ng puyat dahil alas-dos ng madaling araw narin kami nakarating dito sa Quezon City  ay ala una ng tanghali na ako nagising.Malungkot  ako dahil di ako nakasimba para sa ikawalong araw ng misa de gallo hindi ko na tuloy makukumpleto :(. Paggising ko ay nag-umagahan ako , kape at tinapay . Nawalan na tuloy ako ng gana kumain ng tanghalian dahil busog na ako  . Pagkatapos ay nagcomputer lang ako dahil may sariling computer at ipad naman sila dito ,nag Facebook lang ako maghapon .
     Kinagabihan naman , ay nag aya ang aking tita na samahan namin siya ng aking pinsan na si Coyin sa SM North Edsa para mamili ng pangnoche buena . Naglakad lang kami patungo sa SM total malapit lang naman dito . Pagtapos naming mamili sa supermarket ay binilhan kami ni Coyin ni tita ng Ice Cream ng McDo  . Pagkaubos naming kainin ang ice cream ay kailangan nanaman naming buhatin ang 2 plastik na punong puno ng mga panghanda . Pagkauwi , Ay Grabe! Pulang pula kamay ko :( Pero ayos lang masarap naman ang inihain ni tita na pagkain para sa hapunan parang siomai pero hindi siomai , nakalimutan ko ang tawag  :)

Comments

Popular posts from this blog

Luha ni Rufino Alejandro

November 15 , 2013

Ika-14 ng Oktubre 2013 =)