December 25, 2013 :D [Pasko]


   Pasko Na ! Pasko na ! PASKO NA :D . Pagsapit ng alas dose ay nagsalo salo kaming kumain ng mga pinsan ko , ni tito at tita . Binati ko ang mga kaibigan kong nakaonline at mga contacts sa phonebook ko at binati din naman nila ako . Nagkantahan kami ni Colline hanggang alas-tres katuwaan lang . Natulog na din kami pagtapos .
  Pagkagising ko ay alas-tres na , yung natirang carbonara kinain ko lahat ang sarap kasi . Naglaro kami ni Colline ng Temple run pataasan , lagi ako talo kasi di naman ako gaano marunong nun . Pagtapos naming maglaro nagutom ako parang gusto ko ng Chichiria kaya niyaya ko si Coyin na bumili . Pumunta kami sa 7/eleven pero wala kaming natipuhan na snacks kaya pumunta kami sa Mercury drugs nakita naming yung Pic-A . Akala ko kung anong laman ng Pic-A pinaghalong nova ,piattos at tostillos lang pala . Ang pangit ng lasa ng tostillos kasi parang walang lasa yun pa naman ang pinakamarami , kakaunti lang ang piattos at nova . Nagcomputer lang ako saglit at natulog na din ako 

Comments

Popular posts from this blog

Luha ni Rufino Alejandro

November 15 , 2013

Ika-14 ng Oktubre 2013 =)