December 14 , 2013 :)


     Weekend nanaman . Ang aga ko nagising wala naman akong magawa kaya naman naisipan kong magsoundtrip . Mamiya miya ay hindi ko namalayan na napapasayaw na pala ako mabuti na nga lang ay wala akong kasama sa bahay kung mayroon man malamang pagatatawanan ako kasi para akong baliw . Nang dumating ang aking Mama galing palengke ay nagpaalam ako na mamiyang hapon ay pupunta ako sa Riverbanks kasama si Ji Anne dahil bibili kami ng damit pang christmas party at pang exchange gift .  Pinayagan ako at binigyan ng 300 .
   Sa Riverbanks na kami nagkita ni Ji Anne . Bumili muna kami ng damit pang christmas party at pang exchange gift . Sumakay kami sa rides na Pedal boat at Rollercoaster libe naman ako ni Ji Anne kaya nakatipid ako . Grabe nakakatakot nung sumakay kami gabi narin kasi . Kumain din kami sa food station ng burger at buko juice pagtapos ay umuwi na . Mga kalahating oras kami nag-antay ng jeep na Cubao pa Antipolo pero puro punuan kaya sumakay nalang kaming paMontalban at bumaba sa Marquinton  at sumakay ng Marikina paMambugan . Pagkauwi ko ay hindi ako pinagalitan dahil kilala naman ni Mama ang kasama ko .

Comments

Popular posts from this blog

Luha ni Rufino Alejandro

November 15 , 2013

Ika-14 ng Oktubre 2013 =)