December 13 , 2013 O_o



       It’s Friday the 13th  ! Buti at wala namang nangyaring masama ngayong araw . Nung uwian sa paaralan kami ni Kim at Herero  ay pumunta sa bahay ni Abalos para tingnan ang isusuot nila Nico , Ian at Abalos para sa audition ng MNHS Idol . Habang naglalagay sila ng kolorete sa mukha , nakita ko yung liquid eyeliner kaya nagpalagay din ako . Nagmukha daw akong mataray pero bagay naman daw sakin .
     Pagdating namin sa school hindi pa naman nag-uumpisa yung audition kaya nagpraktis muna ang mga bakla . Mamiya-miya ay nag-umpisa na ang audition. Dahil ang mga bakla ang nahuling nagbigay ng list ng pangalan  nila , sila ang huling nagperform . Paglabas nila ng room ay parang dismayang dismaya sila ayaw naman nila sabihin kung bakit .Nakauwi ako ng 5 pero di ako pinagalitan dahil sanay na sila na ganoong oras ako umuuwi minsan galing paaralan .

Comments

Popular posts from this blog

Luha ni Rufino Alejandro

November 15 , 2013

Ika-14 ng Oktubre 2013 =)