Posts

Showing posts from December, 2013

December 31, 2013 :D

  Pagkagising ko sinamahan ko si Mama na mamili ng 12 na klase ng bilog na prutas at mga panghanda . Sa pamimili ng mga prutas doon ko natuklasan na ang pagkakaiba ng Orange at Ponkan . Ang Ponkan pala yung maliit at yung Orange yung malaki at makapal ang balat , natuklasan ko din ang prutas na Longgan parang ngayon ko lang nakita iyon. Pag-uwi tinulungan ko si Mama magluto ng aming ulam para sa tanghalian . Pagkatapos ay kumain kami nang sama-sama . Dumating si Nydel sa bahay samahan ko daw siyang pumunta sa Super 8 dahil may bibilhin siya. Naligo muna kami at pumunta na rin doon . Habang namimili pinag-uusapan namin kung anong oras kami magsisimba at saan . Napagkasunduan naming alas-otso magsimba at sa Pavonian nalang para malapit . Pagkauwi namin galing Super 8 nag-aya kami kung sino pwede makasama para marami mas masaya pumayag naman yung mga kaibigan namin dito at nagkakuwentuhan narin .   Pagdating ng 7:30 ay nag-antayan kami pagdating namin doon sakto lang dahil kak...

December 30 , 2013 :’(

     Inayos ko na mga gamit ko . Niligpit ko na mga labahan ,pinaghiwalay sa malilinis at nilagay sa Bag . Hinatid ako ng pinsang kong si Coyin at Jehdee hanggang sa cubao train station kahit alam ko na . 100 pera ko nung paalis , sakto free ride ang MRT na North Edsa-Taft Avenue at LRT na Recto-Santolan kaya ang ginastos ko nalang yung pamasahe sa jeep na Santolan-Antipolo . Ang daya nga nung conductor , alam ko 10 lang pamasahe sabi niya 20 daw may mga nagreklamo din pero siya ang nasunod . Pag-uwi ko nakita ko agad si Nydel . Niyaya ko siya na pumunta kami nang Riverbanks nung una pinayagan siya pero nung mga 8 na sabay hindi >_< Hindi tuloy ako nakapunta kasi wala akong makakasama gusto ko pamandin mapanuod kasi nung nakaraang taon maganda daw ang Firework display  :( . Umiyak pa nga ako ng palihim dahil lang doon :’(

December 29,2013 ^_^

    Maaga akong nagising pinag-usapan namin tita kong anong araw ako uuwi sabi ko bukas na kasi pupunta  ako sa Riverbanks para makinuod ng Fireworks display . Nung tanghali Nagyaya si Tita na pupunta daw kami sa Circle . Naligo naman kami agad pati ang mga bata . Sumakay kami ng taxi papunta kahit malapit lang . Mga 6 kami nakapunta . Sa entrance mayroong imahe ni Maria at Joseph na ipinanganak si Jesus sa sabsaban maraming nagpipicture dun kaya nag-antay kami kung kailan pwede na kaming makapagpapicture . Dumiretso kami sa dancing fountain nagpatulong kami makaupo sa taas para makita namin ng lubusan . Pagtapos ay naglibot kami sa Tiangge binilhan ako ni Tita ng sapatos at damit bilang pamasko . Ang bait talaga ni Tita ang dami ng naibigay sakin . Kumain kami ng hotdog sandwich at umuwi nadin . Umakyat kami ni Tita sa taas ng bahay nila may mga pinasukat siya saakin na mga damit na pinaglumaan nagkasya naman saakin at tipo ko rin kaya akin nalang . 

December 28, 2013 :D

       Ginising ako ng tita ko para kumain na ng tanghalian . Pagtapos kung kumain  ay nagfacebook lang ako saglit para tingnan ang notification ko  at naligo na . Naghanda ng isusuot at nag-ayos ng sarili dahil pupunta kami ni Coyin sa Sm North para manuod ng Girl Boy Bakla Tomboy . Pagdating namin doon ay tinignan muna namin kung anong oras yung showing ,  7:40 pa ang umpisa .  Bumili na kami ng ticket  para di maubusan . Alas sais palang kaya naglibot libot muna kami sa sky garden at nagpicture picture . Kumain din kami sa KFC di kasi kami kumain bago umalis baka magutom kami sa loob ng sinehan . Mga 7:20 ay pumunta na kami sa sinehan buti nalang at inagahan namin at nakaupo kami sa bandang harapan , bumili kami ng popcorn nang may manguya nguya kami habang nanood . Ang mahal ng popcorn 95 ! . Ang ganda ng palabas na Girl Boy Bakla Tomboy simula palang tawanan na hanggang dulo pero may part na nakakaiyak . Sulit na sulit naman yung...

December 27, 2013 ^_~

    Paggising ko nasa higaan ko yung Ipad buti may wi-fi kaya nag-internet muna ko . Lagi ko to ginagawa  pagnabobore ako nanonood sa youtube ng mga kwento na gawa ni Marcelo Santos III naaliw akong panuorin ang mga videong ginawa niya  kasi naman nakakarelate ako paminsan minsan . Bumaba ako dahil tinawag na ako ni Tita para kumain . Pagtapos kumain ay kusa kong hinugasan ang mga pinagkainan kaya naman natuwa si Tito at Tita . Nung mga hapon na ang ganda nang palabas sa Cinema 1 ang “ Moment in time” yung bida si Coco Martin at Julia Montes kakakilig sobra . Paglipat naman namin sa 2 ang palabas naman ay “ Got to Believe “ kakainis yung pangyayari ~.^    Dumating si Tito Troy galing laguna nangamusta lang , binigyan kami ni Coyin ng pamasko tig-isang daan . Mamiya miya rin  ay umalis na din siya . Pumunta kami ni Coyin sa kwarto niya kwentuhan pampaantok at yun nga nakatulog na din kami .

December 26, 2013 -_-

        Maaga aga ako nagising ngayon mga alas-diyes ng umaga nagtaka nga sila Tito bakit ang aga ko daw magising sabi ko nalang di na kasi ako makabalik sa pagtulog . Nag-umagahan muna ako , kakanin at kape . Nagfacebook lang hanggang tanghali . Kumain nang tanghalian pagtapos nagIpad . Ang araw na ito ay boring dahil paulit-ulit nalang ang ginagawa ko  (-,-)  

December 25, 2013 :D [Pasko]

   Pasko Na ! Pasko na ! PASKO NA :D . Pagsapit ng alas dose ay nagsalo salo kaming kumain ng mga pinsan ko , ni tito at tita . Binati ko ang mga kaibigan kong nakaonline at mga contacts sa phonebook ko at binati din naman nila ako . Nagkantahan kami ni Colline hanggang alas-tres katuwaan lang . Natulog na din kami pagtapos .   Pagkagising ko ay alas-tres na , yung natirang carbonara kinain ko lahat ang sarap kasi . Naglaro kami ni Colline ng Temple run pataasan , lagi ako talo kasi di naman ako gaano marunong nun . Pagtapos naming maglaro nagutom ako parang gusto ko ng Chichiria kaya niyaya ko si Coyin na bumili . Pumunta kami sa 7/eleven pero wala kaming natipuhan na snacks kaya pumunta kami sa Mercury drugs nakita naming yung Pic-A . Akala ko kung anong laman ng Pic-A pinaghalong nova ,piattos at tostillos lang pala . Ang pangit ng lasa ng tostillos kasi parang walang lasa yun pa naman ang pinakamarami , kakaunti lang ang piattos at nova . Nagcomputer lang ako sagl...

December 24, 2013 :D :D [Bisperas]

    Nang madaling araw , pumunta kami sa Balintawak para bumili ng mga prutas mas mura kasi doon at suki ang Tita ko sa mga tindera . Naglibot libot kami grabe! Ang baho tapos may mga parte na maputik pero keribels lang >_< . Pagtapos namin maghanap ng prutas umuwi na din kami . Bumili muna kami ng ng tinapay para kainin pag-uwi nagutom kami eh :D . Pagdating ng mga alas tres ay naghanda na kami ni Coyin dahil magsisimba kami para sa ika-siyam na araw ng Misa de gallo . Inantay namin ang mga sister na mga taga dito para kasabay naming pagpunta ng simbahan nakakatakot kasi baka may mga lasing kaming mga makasalubong . Nakarating naman kami ng maayos at sakto lang din nunga pagdating namin mag-uumpisa palang . Pagtapos ay umuwi rin kami agad at natulog na .    Alas tres na kami ni Coyin nagising , nagtanghalian at tumulong kay tita maghanda . Ang handa naming sa noche Buena ay puto , kare kare , carbonara , roasted chicken at spaghetti . Inantay naming...

December 23 , 2013 :(

   Dala ng puyat dahil alas-dos ng madaling araw narin kami nakarating dito sa Quezon City  ay ala una ng tanghali na ako nagising.Malungkot  ako dahil di ako nakasimba para sa ikawalong araw ng misa de gallo hindi ko na tuloy makukumpleto :(. Paggising ko ay nag-umagahan ako , kape at tinapay . Nawalan na tuloy ako ng gana kumain ng tanghalian dahil busog na ako  . Pagkatapos ay nagcomputer lang ako dahil may sariling computer at ipad naman sila dito ,nag Facebook lang ako maghapon .      Kinagabihan naman , ay nag aya ang aking tita na samahan namin siya ng aking pinsan na si Coyin sa SM North Edsa para mamili ng pangnoche buena . Naglakad lang kami patungo sa SM total malapit lang naman dito . Pagtapos naming mamili sa supermarket ay binilhan kami ni Coyin ni tita ng Ice Cream ng McDo  . Pagkaubos naming kainin ang ice cream ay kailangan nanaman naming buhatin ang 2 plastik na punong puno ng mga panghanda . Pagkauwi , Ay Grabe! Pul...

December 22, 2013 :D

      Mga Alas-tres na kami nakauwi galing lamay . Nagpalit lang ako saglit ng damit at nagsimba para sa ika-pitong misa ng simbang gabi . pag-uwi natulog ako dahil pagod na pagod ako dala ng puyat . Mga Alas tres ng tanghali ako nagising saktong pagdating ni Coyin galing Quezon city. Mga alas-singko sinamahan niya akong maghatid ng pagkain sa papa ko at dinaanan na din namin ang Ninang Mel namin para manghingi ng pamasko pero wala naman siya sayang tuloy effort . Pag-uwi kumain na kami ng hapunan . Inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko sa QC karamihan pang alis kasi panigurado lagi kaming aalis at mamasyal kung saan saan . Mga 9 pumunta na kami ni Coyin sa Businessworld para antayin ang aking Tito na kasabay namin pagpunta ng QC kilala na kami ng mga Guard dahil tuwing bakasyon ay nandito kami para antayin si Tito. Pinalaro muna kami ng badminton sa court kasi matatagalan pa matapos yung trabaho nila . Mga 01 na nga sila na tapos .

December 21, 2013 -.-

              Nagsimba ako para sa ika-anim na simbang gabi sumama si Papa na magsimba kaya naman nakakatuwa ngayon nalang ulit si papa nagsimba matapos ang ilang taon .  Mga 8 ng gabi pumunta kami ni Nydel sa Marikina kasama ang iba pa naming kapit-bahay para makilamay sa kakilala namin . Ang daming pagkaing inalok saamin halos mamiya’t miya may binibigay , binigyan din kami ng pera pambili ng chichiria na gusto namin . Pumunta kami sa  7/eleven para bumili ng mga snacks . Pagbalik, kinain namin yung mga binili namin . Naglaro kami ng baraha , Flowers flowers yung tawag nila sa laro . Nung una di ko magets kaya natalo ako ang parusa pa naman ay kakainin ng buo ang biko pero nung naglaon nag bago din yung parusa pulbo nalang ilalagay sa mukha . Nagegets ko na ng unti yung laro kaya di na ako natatalo .

December 20 , 2013 :3

  Nagsimba ako para sa ika-limang araw ng simbang gabi . Pagdating galing simbahan natulog ulit ako wala naman ng pasok . Tanghali na ako nagising sa wakas nakatulog din ng matagal! . Pumunta kami ni Nydel sa bahay ni Ji Anne wala kasing magawa . Nagkwentuhan kami kung anong balak namin sa pasko . Sila sa bahay lang nila samantalang ako sa bahay ng tita ko , nagalit sila at sinabing “kung mahal mo ang pamilya mo sa bahay niyo ikaw magpapasko” pero puno na ang desisyon ko sa Quezon city ako magpapasko . Sumang ayon nalang din sila . Mga 6 na kami umuwi ni Nydel hindi ako pinagalitan. 

December 19 , 2013 :) :D

    Ika-apat na misa ng  simbang gabi ngayon maaga nanaman ako gumising . Pag-uwi ay tinulungan ko si Mama na magluto ng palabok mga 6:30 na kami natapos . Nag-ayos na ako para sa Christmas party naka red na See-through na damit ako at short tapos nakaheels pa ako . Hinatid ako ni papa sa sakayan ng ticycle bitbit niya yung palabok kasi di ko kaya buti at nakasabay ko si Erin sa tricycle may katulong akong magalalay ng palabok habang umaandar yung ticycle . Pagbaba ko ng tricycle nakita ko agad si Caleb siya ang pinabuhat ko ng palabok dinala naman niya agd sa room . Pagdating sa room hindi pa naman nag-umpisa nag-aayos palang sila . Nagcountdown muna kami bago umpisahan ang party. Si Erin ang MC kaya mukhang lively ang party . Madaming palaro , sa eating apple ako sumali si Ever ang partner ko pero di kami nanalo ang arti kasi ni Ever kaya kinain ko nalang yung apple , sayang naman . Mga nakain ko Palabok , barbeque , salad at cake pero di nabusog XD.   Pagt...

December 18, 2013 =_=

    Naggising nanaman ako ng maaga para magsimba para sa ikatlong araw ng simbang gabi . Maaga nanaman ako nakapasok :) . Maaga ang uwi ngayon dahil sa pagkakaalam ko may program mamayang hapon dahil magpeperform sa stage ang mga napili sa audition ng MNHS idol . Niyaya nga ako ng mga kaklase ko na manood daw kami kaso aalis ako kaya hindi ako makakanood  . Ako ang naatasang bumili ng panghanda sa grupo namin para bukas sa Christmas party .   Bumili kami ni Mama ng mga sangkap sa pagluto ng palabok sa Talipapa . Pagkatapos sinamahan ko si Nydel sa SM Marikina at Riverbanks. Alas-singko na kami nakauwi ang dami kasing pinamili nung babaeng yun . Sobrang pula tuloy ng paa ko , ikot kasi kami ng ikot .Nagkulay ako at kuya ko ng buhok medyo brownish pero parang hindi naman halata.

December 17, 2013 :D

    Birthday ng kuya ko ngayon 18 na siya :D . Nagising ako ng maaga para magsimbang gabi kasama sila Mama at Kuya . Saktong alas-singko natapos ang misa . Kumain at naligo ako tapos pumasok na sa paaralan . Nagulat ang mga kaklase kong na sa room na dahil himala daw at maaga ako :D Himala talaga . Pag wala pa ang mga guro ay umiidlip ako saglit pag may nag-iingay sinisigawan ko ng “ Wag kayong maingay! Nagsimbang gabi ako puyat! Paintindi” tatahimik naman sila at tatawa pagtapos .   Pag-uwi ko naamoy ko ang palabok . Unang beses lang magluto ni Mama ng palabok pero ang sarap sarap nakarami tuloy ako :D 

December 16, 2013 ;/

     Inagahan ko ang gising ko dahil may flag ceremony ngayon mahirap nang malate baka di papasukin . Nakakaasar talagang mag-antay ng tricycle dito saamin madalang lang dumaan ang mga tricycle kung may dadaan naman puro puno at yung iba mapili kaya naman nahuli padin ako sa flag ceremony at sa klase >_< Pero buti nalang mabait ang Maam Manlagnit pinapasok din agad kami .    Pag-uwi ko galing school ay ginawa ko ang mga takdang aralin at aking proyekto masyadong madami kaya naman gabi ko na natapos. Hindi tuloy ako nakapagsimba at dahil dun hindi narin nagsimba mga kaibigan ko . Bukas nalang ako magsisimba ng madaling araw kasama sila mama at kuya .

December 15 2013 :)

   Nagising ako ng maaga dahil magsisimba kami ni Mama . Sa Sta.Lu kami  nagsimba dahil may binili kami at nag-order kami ng pagkain sa Mang inasal para yun ang ulamin ngayong araw . Pagdating ni Nydel sa bahay ay ninaya niya akong magsimba mamaya sa Francisville para sa unang misa ng misa de gallo/Simbang gabi . Umpisa na nga pala ng simbang gabi . Paggabi magsisimba , Dec.15 ang umpisa pag madaling araw ay December 16 . Alas-otso ang umpisa ng misa sa Francisville . Kami ni Nydel at Cha ay pumunta ng alas-syete sa bahay ng  dati naming kapit bahay na malapit sa Simbahan para magchika chika at antayin ang oras ng misa .    Habang papauwi kami galing misa ay biglang bumuhos ang ulan . Epal naman oh! Pauwi na nga at anong oras na din  . Buti at tumila na din . Pag-uwi ay ginawa ko ang aking mga takdang aralin . Napuyat tuloy ako -,-

December 14 , 2013 :)

     Weekend nanaman . Ang aga ko nagising wala naman akong magawa kaya naman naisipan kong magsoundtrip . Mamiya miya ay hindi ko namalayan na napapasayaw na pala ako mabuti na nga lang ay wala akong kasama sa bahay kung mayroon man malamang pagatatawanan ako kasi para akong baliw . Nang dumating ang aking Mama galing palengke ay nagpaalam ako na mamiyang hapon ay pupunta ako sa Riverbanks kasama si Ji Anne dahil bibili kami ng damit pang christmas party at pang exchange gift .  Pinayagan ako at binigyan ng 300 .    Sa Riverbanks na kami nagkita ni Ji Anne . Bumili muna kami ng damit pang christmas party at pang exchange gift . Sumakay kami sa rides na Pedal boat at Rollercoaster libe naman ako ni Ji Anne kaya nakatipid ako . Grabe nakakatakot nung sumakay kami gabi narin kasi . Kumain din kami sa food station ng burger at buko juice pagtapos ay umuwi na . Mga kalahating oras kami nag-antay ng jeep na Cubao pa Antipolo pero puro punuan kaya sumakay nala...

December 13 , 2013 O_o

       It’s Friday the 13 th   ! Buti at wala namang nangyaring masama ngayong araw . Nung uwian sa paaralan kami ni Kim at Herero  ay pumunta sa bahay ni Abalos para tingnan ang isusuot nila Nico , Ian at Abalos para sa audition ng MNHS Idol . Habang naglalagay sila ng kolorete sa mukha , nakita ko yung liquid eyeliner kaya nagpalagay din ako . Nagmukha daw akong mataray pero bagay naman daw sakin .      Pagdating namin sa school hindi pa naman nag-uumpisa yung audition kaya nagpraktis muna ang mga bakla . Mamiya-miya ay nag-umpisa na ang audition. Dahil ang mga bakla ang nahuling nagbigay ng list ng pangalan  nila , sila ang huling nagperform . Paglabas nila ng room ay parang dismayang dismaya sila ayaw naman nila sabihin kung bakit .Nakauwi ako ng 5 pero di ako pinagalitan dahil sanay na sila na ganoong oras ako umuuwi minsan galing paaralan .

December 12 , 2013 :D

    Nung pag-uwi ko galing paaralan ay natulog agad ako . Nagising nalang ako dahil sa malakas na talak ni Nydel . Niyaya akong pumunta sa bahay ng kaibigan namin na si Ji Anne . Naglakad lang kami paakyat ng Ruhat III . Pagdating namin sa bahay ni Ji Anne ay hingal na hingal at pawis na pawis kami tirik kasi ang araw nung oras na yun .Tutal meryenda na ay  pinakain kami ng tinapay at pinainom ng Rc ni Ji Anne buti wala siyang kasama at di kami naiilang kaya sige lamon .Nanunuod kami ng video sa Cellphone ni Ji Anne tawa kami ng tawa lalong lalo na sa mga parang baliw na nagboboksing di pa nga nagbabangayan ay parang mga nasuntok na ng isang daang beses HAHAHA XD .  Nag-enjoy kami sa panonood at pag-uusap kaya di namin namalayan ang oras . Alas nuwebe ako nakauwi kaya naman pinagsabihan ako .

December 11 , 2013 :/

          Nung uwian ay umuwi agad ako wala namang gagawin namiss ko tuloy bigla yung jingle namin . Pagdating ko sa bahay kumain lang ako nang tanghalian at nakatulong dala ng pagod . Alas kwatro na ako nagising ginawa ko yung mga takdang aralin .Saglit ko lang ginawa kasi kakaunti lang naman . Noong mga alas singko na ay pumunta ako sa pinagtatrabauhan ng papa ko para ihatid yung pagkain niya . Pag-uwi pawis na pawis ako naglakad lang kasi ako tapos ang layo pa .

Ika-sampung araw ng Disyembre :)

    Maligayang araw saaming punungguro na si Sir.Rommel Beltran :) Nawa  siya ay pagpalain ng poong maykapal :D    Ngayong araw , maaga ang aming uwian dahil maraming mga bisita ang pupunta sa aming paaralan para sa kaarawan ng aming punungguro. Kaya naman nung uwian ay tumambay muna kami ng iba kong kaklase wala lang kwentuhan saglit wala naman kasi kaming gagawin sa bahay .    Noong naglalakad ako pauwi pababa ng baranggay ay may nag-alok na tricycle driver na sumakay daw ako sa tricycle niya( sa mahinahong pagkakasabi :) ) kasi wala pa naman daw siyang sakay , tumanggi ako kasi wala akong pambayad na pamasahe sabi naman niya ay ayos lang ibaba niya naman daw ako sa baranggay dahil may susunduin siya doon . Edi Ok sumakay ako bawas pagod din yun .   Noong naka-uwi na ko , asar! nawala 50 ko papel kasi yun.  Panigurado sa paaralan ko yun nawala  magkakasama kasi yung Cellphone ,...

Ika-walong araw ng Disyembre :)

   Pagkagising ko wala na si Mama >_< Pumunta na sa Maynila ang daya hindi ako sinama . Yayayain ako tapos iiwan din pala ko ! ayt L gusto ko pamandin pumunta .  Walang magawa ngayong araw nagbasa nalang ako ng E-book pampalipas oras . Pagdating ng gabi napag-isipan kong itigil ang pagbabasa , pagtingin ko sa salamin ang laki ng eyebags ko @_@ Haha :D

Ika-pitong araw ng Disyembre :)

     Sabado ngayon ibig sabihin walang pasok at  mamiya makikita ko nanaman ang mga minamahal kong pinsan :D . Subalit nagtext ang aking mga kajingle na magpapractice ng 12nn ‘ Because we will make some changes to our jingle’ daw syempre pupunta ko sayang naman yung pinraktis ko nang mga ilang araw kung sa finals di ako makakasayaw certificate din yun . Nagpaalam ako sa aking ina napupunta nga ako at pinagalitan ako dahil aalis kami ng papa ko nang mga 2 ng tanghali ngunit nagpumilit ako na magpapraktis nga ako at uuwi din ng 2 . Pagdating ko doon aba! ako palang ? pero di tumagal ay nagsidatingan narin sila . Sabi nila ‘We will make SOME changes’ daw  pero ‘LOT of changes’ ang nangyari halos lahat ata nabago. Sa wakas natapos din ang practice , pero mangiyak-ngiyak na ko habang naglalakad pauwi dahil 6 na . HUHU L baka iniwan na ako ng aking ama . Tama nga ang hinala ko pag-uwi ko nadoon na daw sa Quezon City papa ko . Nagalit pa ang aking minamahal n...

Ika-anim na araw ng Disyembre :)

   Sa oras ng Araling Panlipunan namin ay nirecite namin ang 1987 Philippine constitution . May mali pa ako nung nirecite ko iyon kaya ayokong naiistock sa utak ko ng matagal yung mga ganoong kay habang salita dahil nagkakalito-lito na ako ,  gusto ko pag nakibisa na kinabukasan irerecite na dapat kasi nung lunes pa iyon. Pagkatapos ay pinasayaw saamin ni Ma’am Cabrera yung jingle namin sa harapan . Ang pangit ata ng gawa namin ang lalamya kasi ng iba kong kagrupo tapos di pa kabisa yung mga kanta buti na nga lang hindi ngayon yun sa Monday pa daw pala may oras pa para mapraktis iyon . 

Ika-limang araw ng Disyembre :)

    Hindi pa ata ngayon yung jingle namin siguro bukas pa dahil wala namang sinabi ang aming guro sa Araling panlipunan . Pagkauwi ko galing paaralan nagbonding kami ng bestfriend ko . Sa sabado kasi pupunta ako ng Quezon para sa kaarawan ng aking Tiyo at reunion narin dahil yung mga kamag-anak ko sa Tacloban ay nandito dahil wala na silang mapapala doon at sa linggo naman pupunta ako ng Maynila kasama ang aking ina dahil anibersaryo daw ng kanilang simbahan . Yun nga , nilibre ako ng bestfriend ko foodtrip todamax kami at pumunta sa bahay ng aming kaibigan at nagpicturan lang kami :D

Ika-apat na araw ng Disyembre :)

    Ngayong araw , natagalan ako sa pag-uwi galing paaralan dahil kami ay nagpractice ng jingle buti at hindi ako pinagalitan . Paspasan ang practice namin ngayon dahil bukas na daw ito . Maikli lang ang nagawa naming dahil dalawang araw lang ang practice namin -_-“ Haaay , sana naman maganda ang kalalabasan nito . Pag-uwi ko , nahiga ako at pagkagising ko umaga na :D

Ikatlong araw ng Disyembre :)

  Ngayong araw , napag-isipan namin ng mga kahilera ko at aming  mga kalapit na magbuo ng grupo para sa jingle na pumapaksa na End violence against women and children (EndVAW) . Noong uwian , tumungo kami sa bahay ng isa naming kaklase upang gumawa ng kanta para sa aming jingle . Nakagawa naman kami ng kanta dahil sa matatalino kong kagrupo at nakabuo ng steps dahil sa mga baklang bihasa na sa pagsasayaw .

Ikalawang araw ng Disyembre :)

  Dahil Monday ngayon , aking inagahan ang pagpasok sa paaralan dahil may Flag ceremony . Salamat at nakapasok nga ako nang maaga dahil ang iba kong mga kaklaseng nahuli sa Flag ceremony ay nahuli rin sa klase at di na pinapasok sa unang asignatura . May pagsusulit pa naman din kami . Kawawa naman ang mga kaklase kong di nakakuha ng pagsusulit , bagsak . Sana ay magbigay aral iyon sa kanila :D

Unang araw ng Disyembre :)

   Ngayong araw , ako at ang aking Mama ay pumunta sa Antipolo Church malamang ang pakay namin ay magsimba .  Pagkarating namin sa simbahan , ayon sa pagkakarinig ko ay patapos na ang misa kaya naman hinintay namin na magsilabasan ang mga tao nang kami naman ay makapasok . Nung kami ay pumasok  Aba’y! wala nang maupuan agad agad ! Pano nangyari yun kakalabas lang ng mga tao diba ? . Aking napagtanto na ganoon pala roon dapat pagpatapos na ang misa nasa loob ka na at mag-abang ng mauupuankasi kung hindi ay tatayo ka . XD Pagkatapos , pumunta kami sa Victory Park kaso wala kaming nabili dahil walang budget   L

DISYEMBRE ^___^

  Simula ngayong buwan ng Disyembre ang nakapaloob sa aking blog ang mga nangyari sakin sa buong araw . Yun Lamang ^__^V