Posts

Department of finance study tour

     Me and my (4) classmates went to DOF today. It was a nice experience to enter a well known agency na dati rati e naririnig ko lang sa news at sa discussions saaming mga subjects. At nakakatuwa rin na makakilala ng mga tao na involve sa government accounting.      Sobrang approachable ng DOF, for real. Sa una palang nung nagtatanong ako ng mga concern ko sa visit , lagi talagang nagrereply ang fb page nila. Then nung naemail ko na yung person na dapat contactin he always update us on what we should do during the visits and the persons available to entertain us. Nakakatuwa lang. Once pa nga I have read the email but I wasn't able to reply kasi I'm busy reviewing for our quiz that time kaya ayun tinawagan pa nila yung number na kokontakin sa letter. They ask kung nabasa ko ba yung email and then inform us what time we should be there.      Then ayun nung pumunta na kami. Nakakatuwa(most used term lol. Coz I'm too happy talaga haha) kasi ...

Rebyu #2

Rebyung pampelikula : Frozen ng Walt Disney Animation Studios "Let it go, Let it go , Can't hold it back anymore. Let it go , Let it go , turn my back and slam the door" NakakaLSS nga naman ang lyrics na ito ng Let it go na ating napakinggan sa pelikulang Frozen . At mayroon bang makakalimot sa linyang "Do you want to build a snowman?" na may tagalog na bersyon na "Gusto mo bang gumawa ng taong nyebe?" haha , pinoy nga naman . Ang pelikuang ito ay kakaiba sa mga kartoon na pelikulang aking napanood. Karamihan kasi ng mga fairytales ay unang beses palang nakita ang lalaki ay na "love at first sight" na at ito na ang kanilang magiging prince charming . Pero si Liza ng Frozen lang ang nakapagsabi na "You can't marry a man you just met" totoo nga naman kasi . Mala-musical ang Frozen na nakapagbigay aliw sa mga manonood lalo na sa mga bata . Mapapakanta ka rin kahit di mo alam ang tono basta may sub title . Hindi lang ito pamba...

Rebyu #1

Rebyung pampelikula : Pagpag ni Frasco Mortiz Ang pelikulang Pagpag ay isang horror movie. Npakaganda ng pelikulang ito dahil na rin sa mala-Hollywood films ang effect na ginamit. Ang kwento nito ay umikot noong sinuway ng mga kabataan ang pamahiin tungkol sa patay . Si Leny ay nagwalis sa burol, Si Cedric pumunta sa burol ng may sugat , ang mga kaibigan naman ni Cedric ay nagsalamin,natuluan ng luha ang kabaong, nag-baon ng sandwich galing burol, at ang kapatid ni Leny ay nakakita ng pera at ibinulsa ito. Hindi sila nagpagpag pag-uwi kaya naman nasundan sila ng patay . Ang kanilang pagsuway ang naging paraan ng patay upang mabuhay , ang patay ay kumuha ng siyam na buhay . Hindi lang horror ang tema ng pelikula may love story din sa pagitan ni Leny at Cedric . Nabuo ang kanilang love story dahil narin sa gusto nila parehong pigilan ang patay mula sa muling pagkabuhay nito at dahil doon mas gumanda ang pelikula. Ang pelikulang ito ay tiyak na kapupulutan ng aral sinasabi rito na da...

January 9,2013 ;O

  Pista ng itim na nazareno ngayon di ako pumunta kasi di naman ako deboto tsaka periodical test namin ngayon . Ngayong unang araw ng periodical test ang mga asignaturang aming sinagutan ay MAPEH , TLE , Filipino at English nadalian lang ako kasi nireview ko yung mga test kahapon at karamihan parehas lang ang tanong  pero hindi ako sigurado kung tama ba ang mga sagot ko at kung papasa ba.  Maaga ako nakauwi mga 11 palang ay nasa bahay na ako . Ginawa ko yung sa proj. ko sa Filipino ang Blog , tinype ko muna yung mga talaarawan ko sa Computer namin at bukas ko na ipopost sa Blogger . Inabot ako ng alas-siyete ng gabi sa paggawa noon . Kumain muna ako ng hapunan at natulog saglit dahil pagod na pagod ang aking kamay at mata . Nagising ako ng mga 10 nagreview ako sa mga asignaturang itetest bukas dahil mahihirap ang mga itetest ang AP , Chemistry at Math 

January 8 ,2014 ~_~

   Umagang umaga naasar ako kasi di ko narinig yung alarm pano ang layo sakin 5:30 na tuloy ako nagising . Sakto lang pagdating ko kakatapos lang nila mag-dasal . 2 nd subject palang naiihi na agad ako pano ba naman ang lamig lamig pero hindi ako lumabas para magCr dahil gusto ko makinig sa lessons kaya pinigilan ko ito at sa break time na umihi . Nung uwian di agad ako umuwi dahil inantay ko yung mga kasabay ko dahil nagrecite pa sila at inantay din nila ako dahil inutusan ako ng isang guro . Pag-uwi ko ay natulog agad ako . Paggising ko ay alas siyete na pakiramdam ko ang sakit ng buong katawan ko parang pagod na pagod . Kumain ako ng hapunan saglit at hinugasan ang pinagkainan . Ginawa ko yung proyekto ko sa Filipino pagbubuod ng mga kwento . Yung dalawang akda na aking napili ay ang Paglalayag sa puso ng bata at May buhay sa looban at ang pelikula naman ay ang  Girl Boy Bakla Tomboy . Nagreview din ako sa Mapeh , Tle at Filipino at English dahil ito ang itetest nam...

January 6,2014 ;/

  May klase nanaman ulit ! parang bitin ang bakasyon pero mas masaya parin pag may pasok dahil may mga bagong kaalaman nanamang kaming  matutunan . Maaga ako gumising kasi may Flag Ceremony . 05:35 palang umalis na ako  sa bahay . 05:40 ako nakarating sa school akala ko pagdating ko maabutan ko pa ang Flag ceremony pero hindi pala parang ang aga naman mag-umpisa . Pag-pasok namin sa school ang dami kong nakitang mga kaklase na late . Sabi ni ate Cagas maaga daw nag-umpisa ang Flag ceremony dahil maaga dumating ang Principal . Pinapasok naman kami ni Ma’am Manlagnit agad at hindi na pinanatili sa Corridor .

January 5,2013 -__-“

   Nung umaga nagsimba kami ni Mama sa Pavonian . Pagkauwi ginawa ko na ang mga dapat gawin dahil bukas ay pasukan nanaman at pasahan ng mga project , pinalantsa ko na ang Uniform ko , nilagay ko na ang aking mga gamit sa aaking bag , kiniwihan ang sapatos at ginawa ko na ang portpolyo ko sa AP , TLE at chemistry . Pagod na pagod ako ngaong araw