Rebyu #1
Rebyung pampelikula : Pagpag ni Frasco Mortiz
Ang pelikulang Pagpag ay isang horror movie. Npakaganda ng pelikulang ito dahil na rin sa mala-Hollywood films ang effect na ginamit. Ang kwento nito ay umikot noong sinuway ng mga kabataan ang pamahiin tungkol sa patay . Si Leny ay nagwalis sa burol, Si Cedric pumunta sa burol ng may sugat , ang mga kaibigan naman ni Cedric ay nagsalamin,natuluan ng luha ang kabaong, nag-baon ng sandwich galing burol, at ang kapatid ni Leny ay nakakita ng pera at ibinulsa ito. Hindi sila nagpagpag pag-uwi kaya naman nasundan sila ng patay . Ang kanilang pagsuway ang naging paraan ng patay upang mabuhay , ang patay ay kumuha ng siyam na buhay . Hindi lang horror ang
tema ng pelikula may love story din sa pagitan ni Leny at Cedric . Nabuo ang kanilang love story dahil narin sa gusto nila parehong pigilan ang patay mula sa muling pagkabuhay nito at dahil doon mas gumanda ang pelikula.
Ang pelikulang ito ay tiyak na kapupulutan ng aral sinasabi rito na dapat sundin ang mga sinasabi ng mga matatanda dahil sila ang mas nakakaalam para sa ikakabuti natin . Mayroon ding mga pamahiin sa burol na dapat sundin upang di mapahamak .
Habang nanonood ng pagpag dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang anak lalo na yung mga bata dahil maaari silang matakot at maging sanhi ng di nila pagkatulog sa gabi dahil sa takot.
Comments
Post a Comment