January 9,2013 ;O
Pista ng itim na nazareno ngayon di ako
pumunta kasi di naman ako deboto tsaka periodical test namin ngayon . Ngayong
unang araw ng periodical test ang mga asignaturang aming sinagutan ay MAPEH ,
TLE , Filipino at English nadalian lang ako kasi nireview ko yung mga test
kahapon at karamihan parehas lang ang tanong
pero hindi ako sigurado kung tama ba ang mga sagot ko at kung papasa
ba. Maaga ako nakauwi mga 11 palang ay
nasa bahay na ako . Ginawa ko yung sa proj. ko sa Filipino ang Blog , tinype ko
muna yung mga talaarawan ko sa Computer namin at bukas ko na ipopost sa Blogger
. Inabot ako ng alas-siyete ng gabi sa paggawa noon . Kumain muna ako ng hapunan
at natulog saglit dahil pagod na pagod ang aking kamay at mata . Nagising ako
ng mga 10 nagreview ako sa mga asignaturang itetest bukas dahil mahihirap ang
mga itetest ang AP , Chemistry at Math
Comments
Post a Comment