January 8 ,2014 ~_~


   Umagang umaga naasar ako kasi di ko narinig yung alarm pano ang layo sakin 5:30 na tuloy ako nagising . Sakto lang pagdating ko kakatapos lang nila mag-dasal . 2nd subject palang naiihi na agad ako pano ba naman ang lamig lamig pero hindi ako lumabas para magCr dahil gusto ko makinig sa lessons kaya pinigilan ko ito at sa break time na umihi . Nung uwian di agad ako umuwi dahil inantay ko yung mga kasabay ko dahil nagrecite pa sila at inantay din nila ako dahil inutusan ako ng isang guro . Pag-uwi ko ay natulog agad ako . Paggising ko ay alas siyete na pakiramdam ko ang sakit ng buong katawan ko parang pagod na pagod . Kumain ako ng hapunan saglit at hinugasan ang pinagkainan . Ginawa ko yung proyekto ko sa Filipino pagbubuod ng mga kwento . Yung dalawang akda na aking napili ay ang Paglalayag sa puso ng bata at May buhay sa looban at ang pelikula naman ay ang  Girl Boy Bakla Tomboy . Nagreview din ako sa Mapeh , Tle at Filipino at English dahil ito ang itetest namin bukas . Ala-una na ako nakatulog .

Comments

Popular posts from this blog

Luha ni Rufino Alejandro

November 15 , 2013

Ika-14 ng Oktubre 2013 =)