Posts

Showing posts from January, 2014

January 9,2013 ;O

  Pista ng itim na nazareno ngayon di ako pumunta kasi di naman ako deboto tsaka periodical test namin ngayon . Ngayong unang araw ng periodical test ang mga asignaturang aming sinagutan ay MAPEH , TLE , Filipino at English nadalian lang ako kasi nireview ko yung mga test kahapon at karamihan parehas lang ang tanong  pero hindi ako sigurado kung tama ba ang mga sagot ko at kung papasa ba.  Maaga ako nakauwi mga 11 palang ay nasa bahay na ako . Ginawa ko yung sa proj. ko sa Filipino ang Blog , tinype ko muna yung mga talaarawan ko sa Computer namin at bukas ko na ipopost sa Blogger . Inabot ako ng alas-siyete ng gabi sa paggawa noon . Kumain muna ako ng hapunan at natulog saglit dahil pagod na pagod ang aking kamay at mata . Nagising ako ng mga 10 nagreview ako sa mga asignaturang itetest bukas dahil mahihirap ang mga itetest ang AP , Chemistry at Math 

January 8 ,2014 ~_~

   Umagang umaga naasar ako kasi di ko narinig yung alarm pano ang layo sakin 5:30 na tuloy ako nagising . Sakto lang pagdating ko kakatapos lang nila mag-dasal . 2 nd subject palang naiihi na agad ako pano ba naman ang lamig lamig pero hindi ako lumabas para magCr dahil gusto ko makinig sa lessons kaya pinigilan ko ito at sa break time na umihi . Nung uwian di agad ako umuwi dahil inantay ko yung mga kasabay ko dahil nagrecite pa sila at inantay din nila ako dahil inutusan ako ng isang guro . Pag-uwi ko ay natulog agad ako . Paggising ko ay alas siyete na pakiramdam ko ang sakit ng buong katawan ko parang pagod na pagod . Kumain ako ng hapunan saglit at hinugasan ang pinagkainan . Ginawa ko yung proyekto ko sa Filipino pagbubuod ng mga kwento . Yung dalawang akda na aking napili ay ang Paglalayag sa puso ng bata at May buhay sa looban at ang pelikula naman ay ang  Girl Boy Bakla Tomboy . Nagreview din ako sa Mapeh , Tle at Filipino at English dahil ito ang itetest nam...

January 6,2014 ;/

  May klase nanaman ulit ! parang bitin ang bakasyon pero mas masaya parin pag may pasok dahil may mga bagong kaalaman nanamang kaming  matutunan . Maaga ako gumising kasi may Flag Ceremony . 05:35 palang umalis na ako  sa bahay . 05:40 ako nakarating sa school akala ko pagdating ko maabutan ko pa ang Flag ceremony pero hindi pala parang ang aga naman mag-umpisa . Pag-pasok namin sa school ang dami kong nakitang mga kaklase na late . Sabi ni ate Cagas maaga daw nag-umpisa ang Flag ceremony dahil maaga dumating ang Principal . Pinapasok naman kami ni Ma’am Manlagnit agad at hindi na pinanatili sa Corridor .

January 5,2013 -__-“

   Nung umaga nagsimba kami ni Mama sa Pavonian . Pagkauwi ginawa ko na ang mga dapat gawin dahil bukas ay pasukan nanaman at pasahan ng mga project , pinalantsa ko na ang Uniform ko , nilagay ko na ang aking mga gamit sa aaking bag , kiniwihan ang sapatos at ginawa ko na ang portpolyo ko sa AP , TLE at chemistry . Pagod na pagod ako ngaong araw

January 4 , 2013 ^_^

    Hinanap ko si Mama , andoon lang pala siya sa nagbabible study . Simula noong nakaraang taon grabe na pananampalataya ni Mama kay Lord – Araw araw nag rorosary at Linggo linggo pumupunta sa Pajo doon sila nagwoworship . Parang nasasanay na nga lang ako na wala si Mama , at pagwala siya ibig sabihin lang noon nagdadasal siya . Pinuntahan ko siya sa mga nagkukumpalang tao nang bigla ako tinuro nung kaibigan ko at may lumapit saaking babae kinausap ako . Yun pala ay kung pwede ba daw akong sumali sa grupo ng mananayaw para pag may mga worship sila ay sasayaw kami . Pumayag ako kasi namimiss ko narin ang pagsasayaw .

January 3,2014 :D

   May nakuhang Gift check ng Mang inasal si Papa sa kaniyang trabaho kaya naman pumunta kami ni Mama sa SM Masinag para magtake-out at iyon ang iuulam namin . Limang manok ang aming binili at nag-order din ng halo halo , manghihingi rin sana kami ng sabaw kaso ngayon ay may bayad na kaya di na kami kumuha .    Nung tanghali hinihimas himas ko yung ulo ni Mama napansin ko may mga puti na siyang buhok kaya inanggal ko iyon . Yaay! Ang tanda na ng Mama ko :D

January 2,2014 :)

    Nung tanghali inaantay namin yung text nung trabahador sa Rexel para malaman kung pwede na ba pumunta doon at kunin ang pera .Mga Alas dos na nagtext kaya naman nagmadali kaming pumunta dahil pag-alas tres ay mag-sasara na yun . Nakarating kami ng alas-dos imedya at nakuha pa namin yung pera .  Pumunta kami sa Super 8 para bumili ng mga kailangan namin at bumili din kami nang pangmeryenda . Pag-uwi gumawa kami ng Egg sandwich . Yung dinurog na nilagang itlog ay nilagyan ng mayonase at nilagay sa bans na malaki , ang sarap sarap :) . 

January 1, 2014

  Kaming mga maliliit na magkakaibigan ay sabay sabay tumalon pagsapit ng 12o’clock umaasang tatangkad pa.Naguwian muna kami sa sarili naming bahay upang baitin ang aming sariling pamilya at bumalik din kung saan kami kanina . Niyaya kami ni kuya Mark sa kanila upang makikain . Cake lamang ang kinain ko dahil marami na akong kinain nung last year XD . Naglibot kami sa Sitio namin para masilayan ang mga Fireworks  , ang ganda talaga panuorin ng fireworks display kasi parang pinapaginhawa nito ang aking pakiramdam . Nung mga Alas-dos na ay nagsi-uwi na kami at ako ay natulog na . Mga Alas-dos ako ng tanghali nagising naligo na agad ako kasi last year pa last na ligo ko XD . Yung spaghetti at salad na handa namin last year yun yung kinain ko pwede pa naman kasi . Pinuntirya ko din yung kiat kiat ang tamis at walang buto . Kumain lang ako buong araw ang saya kasi kumain :D