SINAG SA KARIMLAN
(Dula)
ni
Dionisio S. Salazar
(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng
kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit
naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony ………………..
Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang
kanyang ama
Erman ………………..)
Doming …………….. ) Mga
kapwa bilanggo
Bok ………………. )
Padre Abena …………Isang
pari ng bilibid
Miss Reyes …………. Isang
Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng
Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS : Umaga
PROLOGO : Pambansang
Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan …
Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng
kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa
sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at
umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa
kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…
Marami nang lubha ang mga
pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang
tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang
marikit at makulay na kasaysayan…
PAGBUBUKAS
ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan
sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa
makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si
Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si
Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan
ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang
natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at
kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong
labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang
Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at
waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan
minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang
ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan,
a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si
Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang
ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya
Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata
pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang
hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong;
pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig,
‘bigan.
Doming: Hisi lang,
Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos
mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking
sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing
si Tony.)
Doming: Kilala mo
siya, Bok?
Bok: (Sabay iling)
De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, ‘wag!,
Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos
huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa
‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang
nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si
Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng
inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat,
Tony.
Bok: (May pagmamaki)
ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino.
Yeba!… (Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si
Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang
palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? …
Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming
Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa
mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na
‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba
Toning kahit pahapyaw ay ibidamo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony)
Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas angimong tiyan, ber? At… teribol yang
blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng
mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo)
Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti
kanyo’t nailagan ko’ng saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib),
kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni
Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng
nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y
nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay dumaming
humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y …
‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko
ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e
nag-iba na’ng takbo ng … Naisipkong walang ibubungang
mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking
pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me
parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May
paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang
nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himignagmamagaling) No dais, Tony,
kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta
mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon
ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot;
pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa
kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay
‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang
paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo,
kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo
matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming
nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y
dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan.
Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang
tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya
lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga
naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga
pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw,
sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At
pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun
naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang
lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang
pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng
tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang
iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e
nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida .
Natural, nag-aaway sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e
natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit)
Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si
Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya…
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat …
Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong mandurukot , mang –
agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako ditto
pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko
ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting
library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y
nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng
tunay na lalaki Ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho
akong magsulat.
Doming : Teka muna,
Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siya’y di na namin
nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag
naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung
magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na
namin nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag
naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung
magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na
siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko
reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang
nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay.
Ng pagkamatay ng akingkapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing
“lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y
walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay
nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan!
Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng
iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang
ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa.
Mabait siya. Maunawain. Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang
walang anak (Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang
kaligayahan.
Doming: Hilang taon
na kayo, Mang Herman?
Ernan: K’warenta’y
singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang
akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo
katagal ditto, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa
pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang
yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa
pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman
kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan.
Isang araw ay Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat
na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela,
komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami.
At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo.
Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo
ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong
mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing
kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay…
Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako
rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero… nakakahiya na
atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang
kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho
ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan,
kapangyarihan. Walang marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong
marunong. Paris ni Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho.
Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo
ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong
matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi
mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal
mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok.
Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat
na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang
dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso
pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi
trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan)
. . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag
Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong,
Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming ….
Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong
minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan Ang binigkas
mong tula’y –
Tony Pilipinas, ke
gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan Ibig kong malaman mo na ang tulang
iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon
ang mga sinulat ko rito.
Doming Hanong
pamagat?
Ernan Sinag Sa
Karimlan.
Tony Sinag sa Karimlan? Wow, gandang
pamagat! Bagay ba bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang
sinag. Ang liwanag!
Ernan Walang taong hindi
nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali…
naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa
ko ‘yon!…
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami
pang iba. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa
ko ‘yon! …
Ernan Bibigyan kita
ng sipi. At marami pang iba, kung…
Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag
pangkaisipan na ang pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber,
Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming,
bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming Ako’y ahente ng seguro. Malakas
ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako
dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa
kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’tmatalik na
kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng
traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa
dingding pagkatapos).
Tony At nabilanggo
ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming Hewan ko nga
ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan Nakikiramay kami sa ‘yo,
Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala
. Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang
malakas na naa… padrino, sabi nga ni Bok.
Bok (May pananabik)
Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming Para sa haki’y siyang
pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista. Marami kong naging
karibal sa kanya!
Tony “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
na ang paglililo’y nasa kagandahan .” Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?
Ernan Si Balagtas,
iho, ang “Sisme ng Panginay”
Doming Hang sama, ng loob ko’y ‘yung
pinakamatalik ko pang ko pang kebiganhang… (Haharapin si Tony.) Binata ka pa,
Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa
masyadongnapakaganda.
Bok A, p’wee sa akon gano. Todas lahi
sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan Kaya nga salungat ako sa sinabi ni
Keats na “A thing of beauty is a joy forever.” Dahil sa
kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming
pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong
nagbibigayng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito.
Pumapatay!
Bok Asan ngayon ang
imong misis Dom?
Tony Magsasama kayo
uli? Paglabas mo?
Doming Indi na.
Hisinusumpa ko!
Bok Ilan ang imong
anak? Sino gid gaalaga?
Doming Wala. “Yung
panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan Tungkol sa kaibigan. Sadyang
mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng
materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang
maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa
kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)
Tony Pa’nu hu
makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan Maraming paraan diyan. Subalit ang
pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Nang pangangailangan. Nang
pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang
magbigay. Magpakasakit.
Tony Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? …
Ba’t nga kaya napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan
. At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o
gatimpala. May –
Ernan ‘ –
nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero
saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan Kaya nga kaibigan natin ang moral
regeneration o pagbabagong - buhay.
Doming Napapansin kong alos pare-ong
pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan.
Tony P’wera bola, Doming! Malayong –
(Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si
Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.
P. Abena Magandang umaga sa inyong lahat.
(Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid.
Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana
siya. At nakasalamin Habang lumapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan
! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok (Maliksing babangon) kondi
magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na .
Tony Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre.
Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena Laking
pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony Sadyang walang unang sisi, Padre,
E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako sa ‘ting klase?
P. Abena Ow, huwag mong intindihin yun,
anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka
naganyak sumama kagabi.
Tony Padre, hindi ko mamantsahan ang
inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena Salamat, anak. Huwag kang
makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay
tinatangkilik.
Tony Padre, ke bui-buti n’yo ! …
Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding … Wala raw silang anak.
Ernan (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi
ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y … Padre, kami ng maybahay ko’y
labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit ….
Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena Talagang isa sa marami ang
batang iyan . Masunurin siya. Matulungin. Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak
ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa
ako’t kayo’y –
Tony Padre, possible po bang magkaroon ng
dalawang ama-amahan?
P. Abena Bakit hindi ? Mabuti nga’ng
gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naamn ng araw ay…
kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony (Mapapalakas ang tinig) Utang na
loob, Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na akong Tatay!
P. Abena Ikaw ang masusunod, anak. Alam
kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng
karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,Tony?
Tony Sabi ng doctor
e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno,
huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y
aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital
. Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg! Mamamatay na ‘ko sa
uhaw! Tubiggg!
P. Abena Diyan nga muna kayo at titingnan
ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon. (Susundan ito ng alis .)
Lahat Adyos, Padre.
Tony ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat
at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya … Matutupad din ang pangarap kong
makapag-aral … kung sakali…
Ernan Sadyang mabait si Padre Abena.
Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng panananampalataya … Pero, tingnan
mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya makakapiling sa lahat
ng oros, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat.
Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa
ang tagapagmana.
Tony Paumanhin ho,
Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –
Ernan A, ako’y peryodista. Propesor din
ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika,
pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan – magugusthan mo …. Guro
naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating
butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay
galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batangbatang nars ang lalagyan ng mga
gamut. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente.
Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa
kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang
babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga
may karamdaman)
Bok (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang
da-magan si Miss Reyes! Kungmagaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang
akon record. Yawa.
Tony Bok, si San Agustin , bago naging
santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na
marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok Galalim man ang
imonmg Tagalog!
Ernan Malay natin,
baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka
Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala
ngbahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa.
(Tawanan na naman)
Ernan P’wera biro, napansin kong may ibig
sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na …
(Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo na
kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at
ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay
mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk,
talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming Listo ! Ayan na naman
hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.)
Tanod (Sa may
pintuan) Antonio Cruzada!
Tony (Itataas ang
kanang kamay) Sir!
Tanod Miron kang
bisita, adding.
Tony Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino
hu siya? Kilala bay n’yo sir?
Tanod Iiling at
susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming Kuwarentay
singko.
Tony Papuna na ba
rito, sir?
Tanod Wen adding.
(Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba,
siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon.
Ernan Baka … Tatay
mo na ‘yun, Tony)
Doming Baka naman
hisang kamaghanak.
Bok (Mapapabangon na naman) G’wapo
bang imong derpa? Paris mo Tony?
Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi
mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? ….
Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi
maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!
Ernan Sino man’yon ay may kapit siya.
Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating!
(Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May
kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo
na siya’y dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong
tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rinang
kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang
lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’y
ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad
mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki nakatanaw ng multo si Tony.
Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin)
Tony, anak ko! …
(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony.
Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawang
mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at
walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t
uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang
mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib.
Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko,
napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng
kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga,
ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman
mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
Luis Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi
ka ba natutuwang ako’y makita? … pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa
kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang
lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag
kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!)
Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala
kong ama’y anim na taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang
ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng
isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! ….
(Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang
sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo
na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me
sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang
lumao’y wala nang ibig magpapautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong
… Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit
…. nang dumating ako at - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang
kapatid ko! Sa tulong –
Luis: Nahihilam na sa
luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! …
Tony: (Hndi rin papansinin ang
samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby…
Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B.
rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako
ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw …
Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng
tulay …
Bok: (Mabilis na
papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit
me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako
sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n …
Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito …
(Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat.
Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama.
Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari
kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…
Luis: H-hindi ko na
– hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm …
Daling sabihin, daling sirain…
Luis Nagbalik ako
upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …
Tony: (Patuya) Ba’t
di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba)
Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang
kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan
kong isip. Nagyo’y –
Tony: Huli na ang
lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam
mo bang limang buwan kitangpinaghahanap? … At nang malaman
kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador
Bigat na mabibigyan ka ngparole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi
maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o
patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian!
Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang
nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag
ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo
sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo
nga kaming hanapin kita. Anak, magsamasama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo…
Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at
paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay
Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni
Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na
huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang
tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang
anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad
and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig!
(Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang
malamanggawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga
kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak;
Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing
lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na
parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid.
Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang
kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng
may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony
sa mga ikinikilos ng kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit
hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at
tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng
kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang
buhay, Tony, ay batbat ng batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang
tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang
lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng
tagumpay.
Tony: Mang Ernan,
kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at
aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang
sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka.
Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony: (Habang
nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin
subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming: Sabagay,
hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba …
Bok: Bilib gid ako
sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang
teheras; sa sarli) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San
Francsico ng Asisi, sana’Y –
Tony: Biglang
mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” …
Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako
ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating
ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “
Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali
ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy …
(Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay
ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at
pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang n’yung dokdok! O nars! Madali kayo! …
Bok: Hindi pa rin
mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit
doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na
nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng
dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw
sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang
magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag
ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko
senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita.
Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling
didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good,
ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss
Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. (
Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit
na pari.)
P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss
Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo…
Tony: Siya nga po
ang babaing handa kong …
Bok: (Makahulugan ang ngiti)
tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit
na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami.
nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat;
mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na
naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay
mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi Sa namamalas na katigasan ng
anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay
magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si
Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y
huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo’yo?
Tony : Patawarin mo
‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony)
Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana
si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang
magkakatinginan.0
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,
nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan .
Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihingasina Mang Ernan sa pagmamasid sa
nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay
makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a
bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing
pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap
na kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba
ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang
kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang
kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may
bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng
marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala ng
bahagya at pangiting bubulong.)
Comments
Post a Comment