Aming pinasa ang aming mga Slogan may ilang nagpaliwanag ng kanilang
gawa . Sinagutan namin ang ilang mga tanong tungkol sa akdang Tata Selo .
Nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa akda .
LUHA RUFINO ALEJANDRO I Walang unang pagsisi,ito'y laging huli Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim Sa iyong pag-agos,ianod mo lam ang ang aking damdamin, hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin! II Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay " Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan." III Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag, Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap IV Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay. Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't ...
Tinanong kami ng aming guro kong ano nga ba ang kinahinatnan ni Adong sa huling bahagi ng kwento kung hinimatay nga lang ba siya o namatay . Namatay si Adong sa kwento dahil sa pahiwatig na " hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya " . Tinalakay namin muli ang Teoryang Naturalismo at sabi ni Ma'am na may Teoryang Realismo rin ang kwento . Nagkaroon kami ng pangkatan aming tinala ang aming mga mungkahi na maaring gawin sa mga suliranin na tulad nang sa akda .
Aming tinalakay ang tungkol sa tulang "Luha" ni Rufino Alejandro. Kami ay naatasang gumawa ng buod ng tula sa pamamagitan ng talata . Pagkatapos niyon ay aming ipinasa ang nasabing gawain at siya nagbigay ng takdang aralin na ipaimprenta ang tulang "Luha" .
Comments
Post a Comment