LUHA RUFINO ALEJANDRO I Walang unang pagsisi,ito'y laging huli Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim Sa iyong pag-agos,ianod mo lam ang ang aking damdamin, hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin! II Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay " Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan." III Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag, Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap IV Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay. Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't ...
Mabangis na Lungsod 1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. 2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo. 3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusa...
Tinanong kami ng aming guro kong ano nga ba ang kinahinatnan ni Adong sa huling bahagi ng kwento kung hinimatay nga lang ba siya o namatay . Namatay si Adong sa kwento dahil sa pahiwatig na " hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya " . Tinalakay namin muli ang Teoryang Naturalismo at sabi ni Ma'am na may Teoryang Realismo rin ang kwento . Nagkaroon kami ng pangkatan aming tinala ang aming mga mungkahi na maaring gawin sa mga suliranin na tulad nang sa akda .
Comments
Post a Comment