Posts

January 4 , 2013 ^_^

    Hinanap ko si Mama , andoon lang pala siya sa nagbabible study . Simula noong nakaraang taon grabe na pananampalataya ni Mama kay Lord – Araw araw nag rorosary at Linggo linggo pumupunta sa Pajo doon sila nagwoworship . Parang nasasanay na nga lang ako na wala si Mama , at pagwala siya ibig sabihin lang noon nagdadasal siya . Pinuntahan ko siya sa mga nagkukumpalang tao nang bigla ako tinuro nung kaibigan ko at may lumapit saaking babae kinausap ako . Yun pala ay kung pwede ba daw akong sumali sa grupo ng mananayaw para pag may mga worship sila ay sasayaw kami . Pumayag ako kasi namimiss ko narin ang pagsasayaw .

January 3,2014 :D

   May nakuhang Gift check ng Mang inasal si Papa sa kaniyang trabaho kaya naman pumunta kami ni Mama sa SM Masinag para magtake-out at iyon ang iuulam namin . Limang manok ang aming binili at nag-order din ng halo halo , manghihingi rin sana kami ng sabaw kaso ngayon ay may bayad na kaya di na kami kumuha .    Nung tanghali hinihimas himas ko yung ulo ni Mama napansin ko may mga puti na siyang buhok kaya inanggal ko iyon . Yaay! Ang tanda na ng Mama ko :D

January 2,2014 :)

    Nung tanghali inaantay namin yung text nung trabahador sa Rexel para malaman kung pwede na ba pumunta doon at kunin ang pera .Mga Alas dos na nagtext kaya naman nagmadali kaming pumunta dahil pag-alas tres ay mag-sasara na yun . Nakarating kami ng alas-dos imedya at nakuha pa namin yung pera .  Pumunta kami sa Super 8 para bumili ng mga kailangan namin at bumili din kami nang pangmeryenda . Pag-uwi gumawa kami ng Egg sandwich . Yung dinurog na nilagang itlog ay nilagyan ng mayonase at nilagay sa bans na malaki , ang sarap sarap :) . 

January 1, 2014

  Kaming mga maliliit na magkakaibigan ay sabay sabay tumalon pagsapit ng 12o’clock umaasang tatangkad pa.Naguwian muna kami sa sarili naming bahay upang baitin ang aming sariling pamilya at bumalik din kung saan kami kanina . Niyaya kami ni kuya Mark sa kanila upang makikain . Cake lamang ang kinain ko dahil marami na akong kinain nung last year XD . Naglibot kami sa Sitio namin para masilayan ang mga Fireworks  , ang ganda talaga panuorin ng fireworks display kasi parang pinapaginhawa nito ang aking pakiramdam . Nung mga Alas-dos na ay nagsi-uwi na kami at ako ay natulog na . Mga Alas-dos ako ng tanghali nagising naligo na agad ako kasi last year pa last na ligo ko XD . Yung spaghetti at salad na handa namin last year yun yung kinain ko pwede pa naman kasi . Pinuntirya ko din yung kiat kiat ang tamis at walang buto . Kumain lang ako buong araw ang saya kasi kumain :D

December 31, 2013 :D

  Pagkagising ko sinamahan ko si Mama na mamili ng 12 na klase ng bilog na prutas at mga panghanda . Sa pamimili ng mga prutas doon ko natuklasan na ang pagkakaiba ng Orange at Ponkan . Ang Ponkan pala yung maliit at yung Orange yung malaki at makapal ang balat , natuklasan ko din ang prutas na Longgan parang ngayon ko lang nakita iyon. Pag-uwi tinulungan ko si Mama magluto ng aming ulam para sa tanghalian . Pagkatapos ay kumain kami nang sama-sama . Dumating si Nydel sa bahay samahan ko daw siyang pumunta sa Super 8 dahil may bibilhin siya. Naligo muna kami at pumunta na rin doon . Habang namimili pinag-uusapan namin kung anong oras kami magsisimba at saan . Napagkasunduan naming alas-otso magsimba at sa Pavonian nalang para malapit . Pagkauwi namin galing Super 8 nag-aya kami kung sino pwede makasama para marami mas masaya pumayag naman yung mga kaibigan namin dito at nagkakuwentuhan narin .   Pagdating ng 7:30 ay nag-antayan kami pagdating namin doon sakto lang dahil kak...

December 30 , 2013 :’(

     Inayos ko na mga gamit ko . Niligpit ko na mga labahan ,pinaghiwalay sa malilinis at nilagay sa Bag . Hinatid ako ng pinsang kong si Coyin at Jehdee hanggang sa cubao train station kahit alam ko na . 100 pera ko nung paalis , sakto free ride ang MRT na North Edsa-Taft Avenue at LRT na Recto-Santolan kaya ang ginastos ko nalang yung pamasahe sa jeep na Santolan-Antipolo . Ang daya nga nung conductor , alam ko 10 lang pamasahe sabi niya 20 daw may mga nagreklamo din pero siya ang nasunod . Pag-uwi ko nakita ko agad si Nydel . Niyaya ko siya na pumunta kami nang Riverbanks nung una pinayagan siya pero nung mga 8 na sabay hindi >_< Hindi tuloy ako nakapunta kasi wala akong makakasama gusto ko pamandin mapanuod kasi nung nakaraang taon maganda daw ang Firework display  :( . Umiyak pa nga ako ng palihim dahil lang doon :’(

December 29,2013 ^_^

    Maaga akong nagising pinag-usapan namin tita kong anong araw ako uuwi sabi ko bukas na kasi pupunta  ako sa Riverbanks para makinuod ng Fireworks display . Nung tanghali Nagyaya si Tita na pupunta daw kami sa Circle . Naligo naman kami agad pati ang mga bata . Sumakay kami ng taxi papunta kahit malapit lang . Mga 6 kami nakapunta . Sa entrance mayroong imahe ni Maria at Joseph na ipinanganak si Jesus sa sabsaban maraming nagpipicture dun kaya nag-antay kami kung kailan pwede na kaming makapagpapicture . Dumiretso kami sa dancing fountain nagpatulong kami makaupo sa taas para makita namin ng lubusan . Pagtapos ay naglibot kami sa Tiangge binilhan ako ni Tita ng sapatos at damit bilang pamasko . Ang bait talaga ni Tita ang dami ng naibigay sakin . Kumain kami ng hotdog sandwich at umuwi nadin . Umakyat kami ni Tita sa taas ng bahay nila may mga pinasukat siya saakin na mga damit na pinaglumaan nagkasya naman saakin at tipo ko rin kaya akin nalang .