Sa Pula Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo
Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing. Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin. Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin? Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin. Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa. (Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing). Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos. Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya. Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari? Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon a...